Ahem, ahem.
Maraming maraming salamat nga pala sa mga nakaalala sa kaarawan ko kahapon (Linggo, ika-27 ng Pebrero). May mga bumati naman sa akin, pero mukhang mas kaunti kaysa sa mga nakaraang taon. Mukhang sa pagtanda ng isang tao, nawawala na ang pagka-cute nya (cute ako nung bata ako, pramis!), kaya nalilimutan na rin sya ng mga tao. Sa katunayan, may mga nakasama akong kaibigan kahapon, ngunit hindi man lamang nila ako binati. At hindi lamang sila kung sinong kaibigan. Napakalapit nila sa akin. High school pa lang magkakilala na kami. Ay naku. Sabi nga ni G. Lagliva, ganyan talaga ang buhay.
Kung si Angela ang tatanungin, dapat daw inanunsyo ko sa buong mundo na espesyal ang araw na iyon sapagkat kaarawan ko. Marahil ay marami ang bumati sa akin. Dagdag pa nya, hindi daw kasi ako nanlilibre o di kaya'y nagyayang lumabas man lamang, kaya nakalimot na kahit ang mga malapit kong kaibigan. Di bale. Kakatapos lang ng finals week kaya di ko na naharap maghanda para sa aking kaarawan. Sabi ko nga sa iba, kalimutan muna na kaarawan ko. Busy naman kasi kaming mga seniors.
Oo nga pala. Beinte na ko. 'Nyeta, ang tanda ko na. At malapit na kong magtapos sa kolehiyo. Ano na gagawin ko sa buhay ko? Hindi naman siguro pwede na aasa na lamang ako sa mga magulang ko habang-buhay. Di bale, matalino naman ang nakababata kong kapatid na si Nadya. Sigurado ako na aasenso siya. Sa kanya na lang ako hihingi ng sustento kapag wala na akong mahanap na trabaho.
Kakagaling lang pala namin ni Dennis sa UP School of Economics kanina. Kilala na nga ako ng sekretarya dun dahil nakilang balik na ako dun. Sabi nya wala nang entrance exam para sa Master's degree nila. Maghintay na lang daw ako ng liham galing sa kanila. Uh-oh. Kinabahan naman ako dun. Walang maibubuga ang aking application form. Maayos naman ang aking essay pero marahil hindi yun ang da best op da best. Ganito na lang. Pagdasal nyo na makapasok ako sa UP. Murang mura lang dun, at magagaling pa ang faculty. Hindi ko naman sinasabi na hindi magaling ang Ateneo Economics Department. Pero syempre, gusto ko rin ng change of scenery. Tsaka, punyeta, ang mahal sa Ateneo! Kahit gusto ko makita sila Dumlao, Domdom at Venida, hindi ako magbabayad ng mahigit P100,000 bawat taon!
Ayun. Basta, ipagdasal nyo na makapasok ako. Ayaw ko pa muna magtrabaho e. Tsaka kung nag-aaral pa ko, may oras pa ko magsulat sa inyo. O di ba?
Ano? Mas gugustuhin nyo na wag na lang ako magsulat? Um, sige, ganito. Malay nyo, sobrang busy din ako sa Master's kaya hindi rin pala ako makakapagsulat. O, ayan. Ok na ba yun? Sige na. Pagdasal nyo na makapasok ako. Mukhang nababaliw na ko e. Biruin nyo ba naman na bigla akong nag-Tagalog. Haha. Hahaha. Ahahaha. Nyahahaha. *kumikisay-kisay at naglalaway*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Wow, really? Happy Birthday! :)
How old ka na?
pau, check out http://www.nutzso.com and http://www.s-p-i-l-l.com/MTblog/index.php.
cool sites!
Post a Comment