Hindi na ako marunong umibig. Maaring sabihin ninyo na imposible sapagkat biniyayaan tayong lahat ng kakayahan magmahal. Inaamin ko na kaya ko pa, ngunit tila may pumipigil sa akin na magmahal tulad ng dati. Ilang beses na akong nagmahal at umibig nang lubusan, only to get hurt in the end.
Don’t get me wrong. Hindi naman ako puno ng poot at galit. Wala akong planong itakwil ang buong mundo, dahil ayokong iwanan ang ang aking pamilya at mga kaibigan. Miyembro din ako ng Tugon, isang SOA dito sa Ateneo, at layunin namin na mahalin at alagaan ang mga abandoned babies sa CRIBS. Ngunit kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan, lumalabas ang aking pagkabitter, cynical at pessimistic. At hindi ninyo ako masisisi. Sinumpa yata ako na iiwan ako ng taong mahal ko kung kalian natutunan ko na silang ibigin nang lubusan.
Take Elmo, yung unang baby ko sa Tugon, for instance. He was almost seven months old when he was assigned to me, and I took care of him for almost a year. Nasubaybayan ko ang kanyang paglaki, mula noong gumagapang pa lamang siya hanggang sa natuto na siyang tumayo, maglakad at tumakbo. Palagi kong tinitingnan kung may tumutubo na siyang bagong ngipin, o kaya kung marunong na siyang magsalita. Paborito kong araw ang Biyernes sapagkat area ko iyon at alam kong magkikita na kami. And for the rest of the week, bukangbibig ko si Elmo. Kahit yata yung boyfriend ko sa mga panahong iyon ay nagseselos na sa kanya.
Alam ko na maiksi ang panahon ng aming pagsasama, na mawawala din siya oras na mahanapan siya ng adoptive parents. Ngunit pinili ko pa ring mahalin siya. At siguro, in his own way, minahal rin nya ako. I’d like to believe that he regarded me as his older sister, if not as a surrogate mother (Palagi siyang nagsasabi ng “Ma Ma Ma Ma” kapag magkasama kami. That’s enough proof for me. Hehe.)
Matagal ko nang pinangarap na sa araw na kukunin na siya, pipilitin ko talagang pumunta sa CRIBS upang makausap ang mga taong mag-aampon sa kanya. Kinikinita ko noon na tutulo ang luha ko habang yinayakap si Elmo sa huling pagkakataon, at habang kumakaway sa sasakyan na dala siya papalayo sa akin. Magkaroon ng closure, kumbaga. But it was not meant to be. Mabilis ang mga pangyayari. Dahil summer noon, at walang pormal na area, hindi kami nasabihan agad na malapit nang kunin si Elmo. At sa lahat ng kamalasan, dumating ang kanyang bagong pamilya mula sa Norway nang nasa Laguna ako para sa isang group project. May mga nagpunta sa CRIBS nung araw na iyon at minabuti nila na tawagan ako. Sinubukan nila na pakausapin sa akin si Elmo, ngunit tahimik siya, as if he knew something big was happening.
Akala ko manhid na ako dahil marami nang false alarms tungkol sa pag-alis ni Elmo. Akala ko tanggap ko na he wasn’t meant to stay. Akala ko handa na ako oras na mawala siya. Ngunit hindi pala. Tuloy-tuloy ang pagpatak ng aking luha. Maya-maya ay humahagulogol na ako sa harap ng aking groupmates. Later that day, iiyakan ko ang mga pictures nila Elmo at ang kanyang bagong pamilya na kinuha ng aking mga kaibigan sa Tugon.
Ilang araw ring akong malungkot. Sumama ang aking loob sa Diyos. I started to question Him. Bakit sa lahat-lahat ng araw, iyong Sabadong iyon pa ang pinili Mo? Bakit taga-Norway pa ang umampon sa kanya? At bakit hindi Mo ako binigyan ng pagkakataon na makita siya bago siya umalis? But eventually, I got over it. I realized that I shouldn’t dwell on the fact that I never got to see him for the last time. Na-mimiss ko siya palagi, ngunit iisipin ko na lamang na masaya siya sa piling ng pamilyang nagmamahal sa kanya, at sumasaya na rin ako.
Isa pang halimbawa si W. Hindi ko ikinakaila na minahal ko rin siya ng lubusan. But barely two months after maging kami, nagkaroon kami ng problema at gusto na niyang humiwalay sa akin. Naguguluhan daw siya. Nagmakaawa ako sa kanya na manatili sa aming relationship kahit na alam kong may iba na siya. Sa tulong ng aming mga kaibigan ay nagkaayusan din kami, ngunit natrauma na ako. Pilitin ko man, hindi ko talaga mabura sa aking isipan ang mga pangyayaring iyon. Nagtagal nga kami ng mahigit isang taon, ngunit madalas naman kaming mag-away tungkol doon. Di naglaon ay naghiwalay din kami. Palagi niya akong sinasabihan na bigyan ko pa siya ng pagkakataon, ngunit nasaktan na ako ng lubusan sa kanya. I can forgive, but I could never forget.
Strike three ang sumunod kay W. Mas bata sa akin si R, ngunit natutunan ko siyang mahalin. Nagkakilala kami habang may girlfriend pa siya, ngunit hiniwalayan niya ito nang malaman niyang may pag-asa siya sa akin. Ayon sa kanya, hindi naman niya talaga mahal iyon at napressure lang siya ng kanyang barkada kaya naging sila. Naisip ko na baka pressured din siya ng aming mutual friends, but I was too intoxicated to think much about it. Akala ko magiging masaya na kami kahit bihira kami magkita. Hindi na rin pumasok sa isip ko na magselos sa mga ex niya kahit na alam kong maari silang magkita sa kanyang paaralan. Naging complacent ako sapagkat napaniwala niya kaming lahat na mahal niya ako.
Pero barely a month after naging kami, may masama na naming nangyari. Isang linggo siyang hindi nagparamdam sa akin. Our monthsary came and went, pero wala man lang text message o miss call galing sa kanya. When I confronted R about it, it was my worst nightmare coming true. Napag-isip-isip daw siya na mas mahal niya ang ex niya (yung sinundan ko) kaysa sa akin, at ayaw naman niya akong lokohin. Kung wala akong kasamang kaibigan sa mga panahong iyon, marahil nagmakaawa na naman ako sa kanya tulad ng ginawa ko kay W. Handa talaga akong magpakamartir.
Mahigit isang buwan na ang nakalipas mula nang kausapin ko si R. Isang malungkot na buwan ng pagmukmok at pagiging tulala. Pero naniniwala ako na unti-unti nang naghihilom ang aking mga sugat.
Nauunawaan ko na ganito talaga kasalimuot ang buhay. Nauunawaan ko kung bakit kailangan nila akong iwanan. At siguro naman hindi ito parusa mula sa Diyos. Ngunit hindi talaga mawawala ang mga sugat ko. Sabi ko nga kanina, mahirap talaga makalimot.
Kaya ngayon, hindi na ako marunong umibig. Natatakot na akong itaya ang aking kalooban. Inaamin ko na nais ko pa rin umibig, ngunit kung masasaktan lamang ako, huwag na lang muna. Alam kong demanding kung pakinggan, pero kapag ako’y iibig muli, kailangan may guarantee na it won’t be a “one-month-wonder,” na magiging tapat siya sa akin.
Napapaisip tuloy ako, is there someone out there for me? Someone na makakapagturo sa akin na umibig muli? I can only hope for the best.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
hi! blog-hopping. what a small world. i joined TUGON when i was in college and i volunteered at both the RH and NB. i can relate to the pain of letting go of your baby--the same thing happened to me about 4 years ago. i took care of one of the babies at CRIBS for almost 4 years. i almost didn't get to say goodbye to her, but thank God i did. i'm now in touch with her and her family. i actually blogged about it so check it out na lang if you want.
anyway, hope you're okay now. ingat!
Post a Comment